Biking Safety Tips
LIMANG (5) TIPS PARA MAGING SAFE SA DAAN
Isa sa mga dahilan kung bakit may mga nadi-disgrasya dahil sa mga maling gawain sa mga daan. May mga oras talaga na mapapa-lapit ka talaga sa disgrasya kung ikaw ay gagamit ng bisikleta. Hindi tayo makakaiwas sa disgrasya kung may isang hindi talaga disiplinado sa daan kaya dapat rin ikaw ay handa.
Ito ang mga tips para ikaw ay safe at handa sa daan.
Tip #1: Gumagamit ng biking helmet.
Wala nang mas ikaka-safe kung may biking helmet ka. Itong gamit na ito ay isa sa mga kailangan ng isang siklista para siya ay ligtas sa daan at sulit kaysa naman ikaw ay madisgrasya at kung ano pa mangyari sayo. Be safe everyone!Tip #2: Sapatos.
Kahit anong klaseng sapatos pa yan, okay na yan. Ang pag gamit ng sapatos ay nakaka-protekta sa iyong laban sa iba't-ibang pwedeng tumama sa iyong paa. Dapat rin ay walang sintas ang sapatos para hindi ito kainin ng kadena ng bike.
Tip #3: Spare tires at kasamang tools.
Ang pagdala ng mga ganitong gamit ay napakahalaga sa isang siklista. Ang mga gamit na ito ay pwede magsalba ng di magandang sitawasyon mo at pwede ka din tumulong sa kapwa mo siklista. Ang pagdadala din nitong mga gamit na ito ay nagbibigay imahe na ikaw ay isang magandang ehemplo.
Ang mag me-maintain ng isang bisikleta ay nag dadagdag ng buhay nito. Simpleng paglagay ng oil o langis sa kadena nito ay isang halimbawa ng maintenance. Pag che-check ng mga preno at gulong ay isang halimbawa rin ng maintenance na nagbibigay sayo ng seguridad sa daan. Kung meron man nasira sa bisikleta, pwede kang sumanguni sa pinakamalapit na bike shop sa iyong lugar.
Tip #5: Sarili
Dapat i-handa ang sarili dahil ang katawan lang natin ang ating puhonan sa pang araw-araw. Maging alerto sa daan, huwag na huwag sisingit sa mga masisikip na espasyo. Mata sa daan, maging mapagmatyag sa mga sinyales. Sumunod sa batas trapiko.
Sapat na oras sa pagtulog ay kinakailangan at sapat na kain para ikaw ay enerhiya at magdasal.
Laging tandaan, i-isa lang ang ating buhay. Huwag sayangin sa bagay-bagay na lilipas rin.
Stay safe everyone!
Kung meron pa kayong pwedeng i-dagdag, comment down below!
-BonLaberBoi






Comments
Post a Comment